Kanlungan
Paano ko nga ba makalilimutan
Ang napakainit na bisig ng aking mga magulang
Na siyang aking naging kanlungan
magmula ng ako ay isinilang
Tuwing ikinukwento ng aking mahal na ina
Ang mga panahon na ako ay kanyang inaaruga
Pawang ngiti lamang ang nakikita sa labi niya
At maging sa kanyang mga mata
Akin ding inaaalala kung paano ako alagaan ni ama.
Na walang kasing higpit at bibihirang tumawa
Tuwing ako’y umiiyak dahil sa mga kalaro
Nandoon siya upang akoy’ patawanin gamit ang kanyang mga biro.
Ngayon ako’y malaki na at ang aking magulang ay matatanda na,
Ako naman ang magsisilbing kanlungan nila.
Dahan-dahang susuklian ang mga kabutihan,
At di magsasawang sila ay pagsilbihan.
No comments:
Post a Comment