Saturday, 7 March 2020

Rebyu/Panunuring Papel

Edukasyon

Edukasyon ito ay makakamtan natin sa pagpasok natin sa paaralan, mga naipong kaalaman na natutunan natin sa paaralan na siyang magiging susi natin sa tagumpay, oo Tama ang edukasyon ang magiging susi natin sa ating tagumpay, ang edukasyon din ang kayamanang pamana sa atin ng ating mga magulang na kahit kelan ay hindi mananakaw sa atin ng sinuman kaya maari natin itong ipagmalaki kaninuman.

Mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang magiging sandata mo sa kahirapan, ito ang iyong magiging susi patungo sa pag asenso ng iyong buhay, ito ang panglaban mo sa kahirapan upang maiangat sa kahirapan ang iyong pamilya, ito ang magiging dahilan para maibigay mo ang pangangailangan ng iyong mga mahal sa buhay. Dahil sa panahon ngayon marami ng mga tao ang mahilig mang loko at nananammantala ng kanilang kapuwa lalo na kung kulang sa kaalaman, kaya kung ikaw ay may edukasyon at may kaalaman tiyak na maiilang sa iyo ang mga taong mang loloko dahil alam nilang ang taong edukado ay hindi ganun kadaling maloko.

No comments:

Post a Comment