Saturday, 7 March 2020

Posisyong Papel

Pagtatanggol sa Sariling wika, Tungkulin ng Bawat Pilipino

Maraming mga kabataan ay nahumaling sa mga ibang wikang napapanood sa telebisyon at sa mga taong nakakausap natin sa social media pero hindi natin dapat iwanan ang ating sariling wika. Sa pagdedebate kung sino ang pinakamahalang wikang kinagisnan sa ating bansa ay dapat natin ipagmalaki dahil kung isa sa mga ito ay nawala o hindi natin bigyan katutuhan. Ika nga ni Rizal "Ang di magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang isda" kapag hindi mo minahal ang ating sariling wika parang tinalikuran mo na rin ang iyong pagiging Pilipino.
Ingatan at mahalin ang ating wika dahil ito ang magiging sagisang ng ating kalayaan. Malaki ang maitutulong nito lalo na sa atin. Sanayin na nating ibalik muli ang sigla ng wikang Filipino tungo sa isang nagkakaisa at maunlad na bansa. Dapat bigyang diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang anv wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas malaking nakakiling sa Ingles ang sistemang pang edukasyon sa Pilipinas at ang intelekwalisasyon ng wikang Filipino sa iba't ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino.

No comments:

Post a Comment